Thursday, February 16, 2012

ALAMAT

      Bakit sa tingin ninyo tayo ay pinagagalitan ng ating mga magulang? Dahil sa makulit, malikot, matigas ang ulo o hindi sumusunod sa mga utos nila?Natural sa mga bata ang pagiging malikot, ngunit kapag sumusobra ay hindi na maganda. Sabi nga nila lahat ng sobra nakasasama.Sa alamat na ito na halaw sa panulat ni Maria O. De Guzman: Mga Alamat ng Pilipino, makikita ang maaaring mangyari sa isang batang hindi marunong makinig sa kanyang magulang. Ipinakikita lamang sa alamat na ito na ang pagmamahal ng ating magulang ay walang kapantay gaano man tayo kakulit at kalikot. 


 
Ang Alamat ng Maya
pipit.jpg (17921 bytes)
Ibong Maya


   Si Rita ay batang lubhang malikot.  Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
   Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay.  Si Rita ay nanood sa kanyang ina.  Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan.  Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.  Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao.  Ngayon natakpan siya ng bilao.  Hindi nahalata ng ina.  Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo.  Hindi sumagot si Rita.  Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
   Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.  Kumakain ng bigas ang ibong iyon.  Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

PABULA


     Kaya ba nating mamuhay ng mag-isa? Ano ang dapat gawin kung may kailangan ng tulong? Ang tao ba ay nabubuhay ng para sa sarili lamang?
     Sa pabulang ito na halaw sa ancient fables of Aesop ay malalaman natin ang kahalagahan ng pagtutulungan. Kailangan natin ng kaibigan sa oras ng kagipitan, hindi natin kayang mabuhay ng sa sarili lamang bagkus magtulungan upang mapagaan ang ating mga suliranin sa araw-araw na pamumuhay.Sa mga batang babasa ng kuwentong ito nawa'y maintindihan ninyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan,pagtulong sa kapwa at ang maaaring magiging resulta ng pagiging makasarili.
 
Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw
      Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araway inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagangkabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabangpaglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

     Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"pakiusap ng kalabaw.

      Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisanmo,"anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."

     Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindinagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namangmakalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Mga aral ng pabula

       Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindimo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat nakaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo aymagtutulungan.

Wednesday, February 15, 2012

Sibika

 Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang sagisag - watawat
Pambansang awit - Lupang Hinirang
Pambansang wika - Filipino
Pambansang hayop - kalabaw

Pambansang bulaklak - sampaguita
Pambansang bayani - Jose Rizal
Pambansang laro - sipa
Pambansang puno - Narra
Pambansang bahay - Kubo
Pambansang ibon - agila
Pambansang isda - bangus



Pambansang prutas - manga
Pambansang pagkain - lechon
Pambansang dahon - anahaw
Pambansang sayaw - carinosa

Mathematics


Addition

Addition is ...

... bringing two or more numbers (or things) together to make a new total.
Here 1 ball is added
to 1 ball
to make 2 balls:
Using Numbers it is:    1 + 1 = 2
And in words it is: "One plus one equals two"

Example: If you add 2 and 3 you get 5. You would write it like this:
2 + 3 = 5

Filipino

Ang ABAKADA

Ang abakadang Pilipino ay binubuo ng dalawampung (20) titik. Ito ay ang mga sumusunod:

Malaking Titik (Capital Letter)
A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y

Maliit na Titik (Small Letter)
a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y

Ang mga patinig (vowel) ay lima:
a e i o u
Samantalang ang mga katinig(consonant) ay 15 :
b k d g h l m n ng p r s t w y

English

Love is Like Magic


Love is like magic
and it always will be,
For love still remains
life's sweet mystery.

Love works in ways
that are wondrous and strange
And there's nothing in life
that love cannot change!

Love can transform
the most commonplace
Into beauty and splendor
and sweetness and grace.

Love is unselfish,
understanding and kind,
For it sees with its heart
and not with its mind.

Love is the answer
that everyone seeks...
Love is the language
that every heart speaks.

Love can't be bought,
it is priceless and free,
Love, like pure magic,
is life's sweet mystery!